Archive for October 2010

Diecisiete Personas Importantes










"To seventeen important people who mattered most."


Kada taon, isang linggo bago ang kaarawan ko, lagi kong itinatago ang aking birthday sa mga social network accounts na hawak ko gaya ng Facebook para kapag dumating ang araw na 'yon ay di nila ito makikita. Para na rin hindi na nila pag-aksayahan ng oras ang pagpunta sa aking profile at mag-type ng magkakapareho na message dahil lang sa notification na nakita nila. Pero ang totoong dahilan ko dyan ay para makita lagi kung sino talaga sa kanila ang nakakaalala ng di nakikita si Pareng Notification na kakaway-kaway na may dalang placard na nakasulat: "Hoy, batiin mo si Dave, fifteenth birthday nya ngayon."

Kumagat na ang hating gabi, kaarawan ko na. Tumanda na naman ako at nagnilay-nilay ako, nagdasal at nagpasalamat at buhay pa rin ako ngayon. Buti na lang at masama ako ng kaonti kaya di agad ako kukunin. Di lalagpas sa edad ko ang bumati, diecisiete silang lahat. Sila yung mga taong di ko akalain na makaalala at yung ibang inaasahan kong babati dahil nakakasama ko sila sa araw-araw ay wala pero ayos lang yun. Naisip ko rin naman na di gaanong kaimportante ang role ko sa script nila gaya nalang din ng role nila sa script ko. Ayos lang yun, hindi naman ako masama at matampuhing tao sa katunayan, ide-delete ko na nga sila sa Facebook at di na sila kikilanin bilang mga kaibigan. 

Lumipas ang araw na 'yon at gusto kong pasalamatan ang mga taong hindi kinawayan ni Pareng Notification at ito sila ayon sa pagkakasunod-sunod:


1. Rossane Calisin
Pagkagat ng eksaktong 12:00, ayon sa aking selpon, na-receive ko ang four parts na text message nya. Yung dalawang parts ay nabasa ko lang kanina sa klase dahil nag-some text missing sa sobrang haba. Sya yung classmate ko mula first year sa klase ng CAA at hanggang ngayon solid classmate pa rin. Nakakasawa na nga e pero joke lang yun. Di ko talaga akalain na sya ang unang-unang babati dahil ako mismo, lagi kong nalilimutan yung date ng birthday nya pero ayan sya, unang-una sa listahan.

2. Jen Despabiladeras
12:46 naman at isa pang kaklase nuong first year ang di ko akalaing makakaalala. Kasama rin namin to sa CAA kaso nung sumunod na semestre ay nag-transfer na sya sa ibang eskwelahan. Di pa kami nagkikita simula noon pero gaya ng dati, hindi siya nakalimot kahit na wala kaming masyadong communication. Salamat Jen sana'y masaya ka na sa course mo na yan. baka mag-transfer ka na naman e. 

3. Alexander Perez
Nakilala ko to nuong kapanahunan ng WEBPG1. Isa sa mga masisipag na tao na nakilala ko, noon. Haha. Ewan ko ba kung ano na nangyari dito, naging tamad na rin gaya ko. Pero, nakita ko ang sipag ng taong ito nung nag-programming skill evaluation na sila kung saan sa take na yun ay wala ng dalang libro at source codes bilang reference sa paggawa ng system na yun. Siya, kasama ang isa pang ka-grupo nya na si Em, ang inspirasyon ko ngayon para sa darating na battery exam ngayong semestre. Nakaya nila, kakayanin ko rin. Alex, yung lechon mo, inaabangan ko pa rin.

4. Xyra Crisostomo
Isa pang matagal na na klasmeyt simula nung panahon ng TECH2 at isang eksperto sa pagakuha ng litrato. Sya ang bunso sa batch naming magkakaklase at bunso rin sa pamilya nila. Kahit na minsan ay nagkakaroon ng di pagkakaintindihan sa grupo ay nandyan pa rin sya. O pano, last semester na natin to. Wala na dapat susumpungin ah.

5. Ana Pasague
Nakasama ko to nuong Eleksyon 2010 nuong Mayo bilang isang watcher. Nag-watcher ako para sa pera, este para bantayan yung boto ng Bayan. Computer science student din sya gaya ko at magkaparehas kami ng ilang pananaw sa pulitika kaya instant LAN connection agad. Tahimik na kalog yan gaya ko at dapat nga ay kikitain ko sya kahapon sa eleksyon pero nung nagpunta na ako ay tama namang nakaalis na sila ng mama nya. Amp, ang layo ng nilakad ko. Ayon, nag-softdrinks na lang ako pagdating doon.

6. Munich Abol
Isa rin to sa classmate ko sa aming eskwelahan. Galing syang Germany pero joke lang yun. Parte ng Student Council yan ng ilang taon na na di ko na maalala at ngayon ay patuloy pa rin ang public service nya. Iboto para presidente sa 200389564856! Salamat pre at nakaalala ka.

7. Phoebe Walker
Girlfriend sya ng kapatid ko at nag-aaral sa unang unibersidad na dinaluhan ni Rizal. Maraming salamat Phoe at sana'y magtagal pa kayo ng kapatid ko.

8. Cheryll Reyes
Isa sa mga cosplayers na galing din sa eskwelahan ko. Maraming salamat sa Cloud Strife's Bastard Sword keychain na binigay mo sa akin bilang advanced birthday gift. Bawi ako next time. For now, kita-kits sa campus sa aking huling semestre.

9. Angelo Marte
Accountancy student sya pero tumigil muna para sa personal na dahilan at nagtrabaho muna pero gaya ng pangalawang bumati sa akin, kahit na di kami nagkikita at wala ng masyadong komunikasyon, ay nakaalala pa rin sya. Salamat Gelo. Sa pagpasok mo next semester, galingan mo ah kundi lagot ka sa akin.

10. Edcel Pascual
Schoolmate ko naman to at kapitbahay. Di kami masyadong nagkkita dahil na rin sa schedule at busy na rin sa pagiging estudyante pero salamat pa rin sa pagbati.

11. Jia Zulueta and Christopher Domingo
Mga kaibigan ito ng bunsong kapatid ko. Kahit di ko sila gaanong ka-close ay nakaalala sila.

12. Pia Solisa
Schoolmate ko nuong high school at schoolmate ko rin naman ngayong college, lower batch sa amin pero kahit ngayon semestre lang kami naging close ay nakaalala syang bumati. 

13. Marvin Pascual
Isa to sa solid na kaibigan ko na kapitbahay ko lang pero di kami halos nagkikikita. Busy sa buhay e kahit na yung baha nila ay sa kabila lang. Pero kapag nagkikita kami, ay parang kulang ang bente-kwatro oras para sa aming mga barkada. Next time na inuman... ng iced tea.

14. Joma Ravana
Si future registered nurse na solid kaibigan ko rin. Nawala man sa sirkulasyon ng barkada ay di pa rin nakalimot. Ayos yan, galingan mo pre sa licensure para may libreng check-up na kami kapag nagkasakit. One take lang dapat ah.

15. Van [Insert surname here] and Thea PeƱaflor
Mga kaibigan ng kapatid kong pangalawa. Salamat sa pagpunta ah. Tingnan ko kung makasama ako sa tugs-tugs sa Sabado. Ay, obligado nga pala ako sabi ni Thea. Haha.

16. Vonn Russel Olfindo
Si ka-birthday na cosplayer. Sensya na pre kung di nakapunta sa celebration mo. Bawi nalang next time.

Kala ko tapos na ang lahat ng babati. Kala ko wala na at matutulog na sana ako ng biglang may nag-text na numero na di naka-registered sa akin at sya'y walang iba kundi si

17. Antonette Opis
Isa sa mga naging classmate ko mula first year at masarap din syang kausap kapag seryoso. Lasang chocolate. Pero seryoso, kahit na ganyan lagi yan, makikita mo kung sino talaga sya kapag nag-usap kayo ng tungkol sa buhay. Ayos syang kausap dahil totoong tao sya at sasabihin nya sayo ang dapat at di yung gusto mong marinig. Salamat ah, sensya na kung ang reply ko sayo ay: "Salamat. Sino po to?"

Maraming salamat po sa inyo - ang Diecisiete Personas Importantes.
Tuesday, October 26, 2010
Posted by Unknown
Tag :

Popular Post

Blogger templates

Labels

Pages

Powered by Blogger.

- Copyright © Lair of Indolence -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -