Posted by : Unknown Saturday, September 25, 2010









Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako - mga linya ng kantang Kung Wala Ka ng bandang Hale. Ang  theme song daw ng mga maiiwan at di makaka-graduate sa 2011 sa aming magkakaibigan. Makakabuo na nga kami ng isang album na pangangalanan naming 2011.


Natapos na ang founding anniversary ng unibersidad na pinapasukan ko at may di kumulang na tatlong linggo at ilang araw na lang kami para sa unang semester sa huli naming taon. Sa tatlong linggo na yun, kasama na ang cramming mode para sa mga final projects at kung anu-ano pang mga bagay na pampahirap sa isang graduating student. Pagtapos nito, isang semester na lang at ang pinakainaasam ng mga magulang natin na ang susunod - ang pagtatapos ng pagbabayad nila sa matrikula natin o ang tinatawag nating graduation. Matatapos na rin ang paggawa ng laging ino-overnight na projects na dapat isang buwan o higit pa ginagawa,  ang mga pamatay na fifty items na identification quizzes kasama yung mga multiple choice type na A-Z, mga pagso-solve ng LaTeX Code: \\int_{0}^{\\pi/2} \\frac{dx}{1+(tan(x))^{\\sqrt2}}  at kung ano pang nakakasabaw ng utak para sa isang C-average student na gaya ko.

Ang degree na kinukuha ko ay Computer Science at inaamin ko naman sa sarili ko na wala akong alam sa programming at kung kaalaman sa programming ang pag-code ng Me.close() at reset function, eh di ayos, may alam pala ako at dagdag 0.01% x 10-64 ito sa knowledge pool ko. Hindi ko pilit ibinababa ang tingin sa sarili ko dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo. Katotohanan na pilit tinatago ng iba dahil ayaw nilang mapahiya o mapag-usapan. Gaya ng piling nakararami, totoo ako sa sarili ko.

Bago magtapos, may programming drill pa kaming dapat gawin. Gagawa ka mag-isa ng on-the-spot database-related program na may kinalaman sa ginawa n'yong system project. Sa unang pagsubok, pwede ka magdala ng mga libro at kung ano pang mga references at kung bumagsak ka man, may isa pang chance para ulitin ang lahat at sa pagkakataong 'yon, wala ka ng dalang kahit ano kundi ang puso mong kinakabahan kasama na ang magulo mong pag-iisip. Nagbilang din ako last week ng mga posibleng papasa sa first take sa department namin, mga 17 sila at di ako kasama dun sa dahilan na nabanggit ko. Silang syamnaput pito ay lubusan kong hinahangaan sa kanilang galing sa lohika na nagreresulta sa paggawa ng isang epektibong program. Sa syamnaput walo, apat dun yung lagi kong nakakasama at sa apat na yun, yung sa isa ako totally hands-down. Wala akong masabe. Buhay na yata nya ang programming. Sana, nagkaroon din ako ng taglay na lohika gaya nya para minamane ko na lang ang programming.

Di pa raw huli ang lahat, pwede pa ako tumambay sa silid-aklatan at magpalamig, magpalamig kasama ang mga librong A Dummy's Guide to Programming pero, sapat ba ang oras ko para matuto sa mga paraang alam ko? Ngayon na nalang ulit ako nakaramdam ng isang malaking pagdududa sa aking sarili, sa aking kakayanan bilang estudyante. Papasa kaya ako sa lahat ng natitira kong subjects? Kakayanin ba namin ang software project sa darating na semestre? Made-defend ba namin ng maayos ang sakaling natapos na software project? Makapapasa ba ako ng programming drill at higit sa lahat, ga-graduate ba ako sa darating na Marso? Yan ang mga pangunahing kuru-kuro na gumugulo sa aking isipan, sa isipan ng isang graduation student na gaya ko.

Ito lang ang masasabi ko: basta kahit anong mangyari, gagradweyt ako sa paraang gusto ko.

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Blogger templates

Labels

Pages

Powered by Blogger.

- Copyright © Lair of Indolence -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -