Archive for May 2011

The Graduate and the Unemployed

 (taken from http://www.sws.org.ph/pr20110525.htm)
Today is exactly a month after graduation and majority of us, if not all, are now and still part of the 11.3M unemployed Filipinos in accordance with the latest survey of the Social Weather Stations, commissioned by the BusinessWorld. But first, what is an unemployment rate? According to Social Weather Stations, "the new official definition has included the concept of availability for work; it subtracts those not available for work, even though looking for work, and adds those available for work but not seeking work for the following reasons: tired/believe no work is available, awaiting results of a job application, temporarily ill/disabled, bad weather, and waiting for rehire/job recall." That is still high according to comments of economists in the country one of whom is UP economist Raul Fabella and was quoted as saying that the unemployment rate will rise in June as college students who graduated end of March normally do not immediately get work. And yes, he predicted that right.

Several people may have been giving out their inquiries on what are we doing as newly-graduates and what are the ways we ought to do as to not be part of the booming statistic of the unemployed here in the country. Several of my friends have been going to job fairs, submitting their resumé and patiently waiting for a possible interview and examination from the companies. It may be easy for someone who already has a work to say just keep on applying until one calls for a certain interview but with the competition out in the market, it would really mean competition. I would like to recommend a post by Sean Gregory of TIME.com with his article entitled New Rules For the Job Interview. It may give additional information on the already to-do list we already have when it comes to such concerns.


Going back to the competition, a study by Rutgers University showed that college graduates are having a hard time finding a suitable job and those who may have one are being paid less than what skill they can offer. The said study maybe of a foreign setting but considering that it is still correlated with college graduates trying to find a suitable job still has relevance with what we are experiencing now. According to a survey conducted by Manpower, they said that the problem is within the education system that is leading future job candidates into wrong professions that the industry nowadays really need and I quote, the global skills shortage is worsening, with more than one-third of companies reporting difficulties filling positions because of a lack of talent – the highest level in four years. . .


In the local setting, we can see that there are not enough jobs to fill-in the unemployed. If there were job openings, it usually leads to underemployment in the future due to lack of industry growth, few job openings and a bunch of people out in the competition for job availability. Fresh graduates like us can't be choosy with the work to apply for as long as it will compensate our daily financial costs, it would be a suitable job now that everyone is up for a competition. It's always up to you on how you'll sell yourselves during interviews.


ManpowerGroup president Jonas Prising says that for college graduates, the main problem isn't that they don't have skills; it's that they have the wrong ones. Furthermore, he also iterated that, "Liberal arts skills are in over-supply, and that's an education issue. Being a college graduate doesn't mean you're work-ready."


Whoever is to blame with the unemployment issue, we are the only ones who will be able to help ourselves in finding a job that will compensate as well with the skills we have to offer. To my friends who are still job hunters, ask yourselves what do you really want to get in a job. Is it the salary or the experience? In my opinion, you should go for the latter which is experience. When you have experience after six months or a year, you can start your demands and everything follows. Regarding the job offerings out there, do not be so choosy as the competition is high but the market offers few jobs that makes an offset for us fresh graduates. Just be yourself, be marketable and show them how you can be an asset to your preferred company.
Saturday, May 28, 2011
Posted by Unknown

Post-Graduation Message

A super post-graduation message. A translation in English is to be carried in the near future when the author's idleness wearies.  DO NOT DELAY.




April 28, 2011. Araw na pinakahihintay naming mga estudyante - graduation. Araw kung saan matatapos na ang paggawa ng mga projects na kinabukasan ang pasahan, cramming mastery pagdating sa mga final examinations at syempre, ang pagtatapos ng buhay estudyate at pagpasok sa mundo ng mga unemployed. Pati rin pala ang mga magulang namin ay masaya sa kadahilanan na nakapagtapos sila ng kanilang anak at syempre, menos gastos na dahil wala na silang babayarang matrikula sa pasukan.


Ang graduation message na ito ay iniaalay ko sa mga ordinaryong estudyante na nagsipagtapos sa abot ng kanilang makakaya. Sa mga nakaranas na makakuha ng tres at singko, sa mga tumigil dahil sa kakulangang pinansyal at sa mga tao na kailangan pang sumali sa co-curricular activities sa school para sa scholarship o di kaya magtrabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral pero kasama ko nung April 28, 2011 sa Philippine International Convention Center at nagsitapos din. Gaya nyo ay marami din akong pinagdaanang hirap at muntikan na rin na di maka-graduate sa takdang oras pero may mga taong sadyang may likas na kabutihan kahit na kailan pa lang nila kayo nakilala. Anyway, saludo ho ako sa inyo at sa determinasyon nyong makatapos.


Sino nga ba ang dapat pinagsasalita sa mga commencement rites? Yung taong nakamit ang pinakamataas na grado sa apat na taon nyang pag-aaral o yung tao na dinaanan ang totoong hirap ng buhay estudyante pero gumradweyt dahil sa sikap at determinasyon? Para sa akin, doon ako sa huling nabanggit. Bakit nga ba sila ang ninais kong magsalita sa harap ng maraming estudyante e nakakuha na sila ng singko sa ibang subjects, mga pasang-awang grado at kung ano pa? Simple lang, naranasan nila ang hirap na dinanas ng karamihan sa makikinig sa kanila. Ngunit di ko naman inaalisan ng karapatan na magsalita ang taong nabansagang pinakamatalino sa batch na yun. Karapatan nya yun pero karapatan din ng ordinaryong estudyante yun. Mas pinili ko lang ang isang ordinaryong estudyante dahil sa mas makaka-relate ang mga estudyante na nakaupo sa loob ng silid na yun. Pero walang ganun sa tunay na mundo at kung meron man ay piling-pili lang. Mas laging pansin ang mga nakatataas sa iba. Iba na ang matangkad. Growee lang naman ang katapat o siguro alagang Bear Brand sila.


Sino naman ba ang mga dapat pasalamatan? Para sa akin, ang unang dapat pasalamatan ay ang mga magulang natin na nagtaguyod sa ating pag-aaral. May ilang porsyento sa atin na nasa ibang bansa ang mga magulang para magtrabaho, para may maipangtustos sa atin pagdating ng pasukan. Pangalawa ay mga piling professor na bukod sa naging educational medium ay naging pangalawang gabay natin sa buhay sa di lang mga pang-eskwelang suliranin. Saktong sampu ang mga professor ko na iniidolo pagdating sa kanilang propesyon. Hindi lang sila tumayo bilang mga tao na binabayaran kada-oras para magturo pero sila yung tipo na di ka talaga lalabas ng classroom na wala kang natututunan sa akademya at sa buhay. Sana mas dumami pa ang mga gaya nila. At ang huli ay ang mga tunay na kaibigan. Kailan ko pa bang palawakin kung bakit?


Marami pang pedeng banggitin, marami pang pedeng isalaysay, marami pa ding pedeng pasalamatan. Gaya na lang siguro nung isang professor ko tuwing Sabado na bilang lang sa limang daliri kung ilang beses pumasok ng klase sa buong semestre dahil sa mga personal na kadahilanan. Doon ako na-trauma at first and last ko na na Saturday class yun. Sige, ikaw nga mag-review ng lecture na kaka-upload lang nung hatinggabi at kinaumagahan na ang chapter quiz na wala man lang abiso? Di ka ba matataranta nun? Ilang beses pang naulit yun. Ewan ko kung binigyan pa rin sya ng subject load sa kolehiyo namin. Pero magpapasalamat pa rin ako ng dahil sa kanya ay na-enhance ang cramming mastery ko. Natuto akong mag-check ng Student's Portal kahit walang sinasabi ang professor. Malay mo, nag-e-exist din ang mga gaya nya sa regular classes (pero salamat at wala naman akong nakita).


Pero ito seryoso na, sa buhay kolehiyo, marami kang makakasalamuha. Pumili ka ng mga matino at totoong taong miski professor, kapwa estudyante o di kaya yung si ate/kuya na laging mong nakikita na pakikisamahan mo. Maaaring hindi lahat ng iyong nakikita ay totoo, maaaring kabaligtaran. Walang maling desisyon basta kaya mo itong panindigan. Pwede kang maniwala, pwede kang magpalason sa impluwensya ng iba pero sa bandang huli, may sarili kang utak at konsensya - hawak mo pa rin ang desisyon na magpapatakbo sa buhay mo at sa kung ano ang magiging resulta nito.


Ako po si Dave Tan, nagtapos ng Batsilyer sa Agham Pangkompyuter sa Pamantasan ng Silangan nuong Ika-28 ng Abril, taong 2011 -- Maraming salamat po.
Monday, May 23, 2011
Posted by Unknown

Popular Post

Blogger templates

Labels

Pages

Powered by Blogger.

- Copyright © Lair of Indolence -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -