- Back to Home »
- Post-Graduation Message
Posted by : Unknown
Monday, May 23, 2011
A super post-graduation message. A translation in English is to be carried in the near future when the author's idleness wearies. DO NOT DELAY.
April 28, 2011. Araw na pinakahihintay naming mga estudyante - graduation. Araw kung saan matatapos na ang paggawa ng mga projects na kinabukasan ang pasahan, cramming mastery pagdating sa mga final examinations at syempre, ang pagtatapos ng buhay estudyate at pagpasok sa mundo ng mga unemployed. Pati rin pala ang mga magulang namin ay masaya sa kadahilanan na nakapagtapos sila ng kanilang anak at syempre, menos gastos na dahil wala na silang babayarang matrikula sa pasukan.
Ang graduation message na ito ay iniaalay ko sa mga ordinaryong estudyante na nagsipagtapos sa abot ng kanilang makakaya. Sa mga nakaranas na makakuha ng tres at singko, sa mga tumigil dahil sa kakulangang pinansyal at sa mga tao na kailangan pang sumali sa co-curricular activities sa school para sa scholarship o di kaya magtrabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral pero kasama ko nung April 28, 2011 sa Philippine International Convention Center at nagsitapos din. Gaya nyo ay marami din akong pinagdaanang hirap at muntikan na rin na di maka-graduate sa takdang oras pero may mga taong sadyang may likas na kabutihan kahit na kailan pa lang nila kayo nakilala. Anyway, saludo ho ako sa inyo at sa determinasyon nyong makatapos.
Sino nga ba ang dapat pinagsasalita sa mga commencement rites? Yung taong nakamit ang pinakamataas na grado sa apat na taon nyang pag-aaral o yung tao na dinaanan ang totoong hirap ng buhay estudyante pero gumradweyt dahil sa sikap at determinasyon? Para sa akin, doon ako sa huling nabanggit. Bakit nga ba sila ang ninais kong magsalita sa harap ng maraming estudyante e nakakuha na sila ng singko sa ibang subjects, mga pasang-awang grado at kung ano pa? Simple lang, naranasan nila ang hirap na dinanas ng karamihan sa makikinig sa kanila. Ngunit di ko naman inaalisan ng karapatan na magsalita ang taong nabansagang pinakamatalino sa batch na yun. Karapatan nya yun pero karapatan din ng ordinaryong estudyante yun. Mas pinili ko lang ang isang ordinaryong estudyante dahil sa mas makaka-relate ang mga estudyante na nakaupo sa loob ng silid na yun. Pero walang ganun sa tunay na mundo at kung meron man ay piling-pili lang. Mas laging pansin ang mga nakatataas sa iba. Iba na ang matangkad.Growee lang naman ang katapat o siguro alagang Bear Brand sila.
Sino naman ba ang mga dapat pasalamatan? Para sa akin, ang unang dapat pasalamatan ay ang mga magulang natin na nagtaguyod sa ating pag-aaral. May ilang porsyento sa atin na nasa ibang bansa ang mga magulang para magtrabaho, para may maipangtustos sa atin pagdating ng pasukan. Pangalawa ay mga piling professor na bukod sa naging educational medium ay naging pangalawang gabay natin sa buhay sa di lang mga pang-eskwelang suliranin. Saktong sampu ang mga professor ko na iniidolo pagdating sa kanilang propesyon. Hindi lang sila tumayo bilang mga tao na binabayaran kada-oras para magturo pero sila yung tipo na di ka talaga lalabas ng classroom na wala kang natututunan sa akademya at sa buhay. Sana mas dumami pa ang mga gaya nila. At ang huli ay ang mga tunay na kaibigan. Kailan ko pa bang palawakin kung bakit?
Marami pang pedeng banggitin, marami pang pedeng isalaysay, marami pa ding pedeng pasalamatan. Gaya na lang siguro nung isang professor ko tuwing Sabado na bilang lang sa limang daliri kung ilang beses pumasok ng klase sa buong semestre dahil sa mga personal na kadahilanan. Doon ako na-trauma at first and last ko na na Saturday class yun. Sige, ikaw nga mag-review ng lecture na kaka-upload lang nung hatinggabi at kinaumagahan na ang chapter quiz na wala man lang abiso? Di ka ba matataranta nun? Ilang beses pang naulit yun. Ewan ko kung binigyan pa rin sya ng subject load sa kolehiyo namin. Pero magpapasalamat pa rin ako ng dahil sa kanya ay na-enhance ang cramming mastery ko. Natuto akong mag-check ng Student's Portal kahit walang sinasabi ang professor. Malay mo, nag-e-exist din ang mga gaya nya sa regular classes (pero salamat at wala naman akong nakita).
Pero ito seryoso na, sa buhay kolehiyo, marami kang makakasalamuha. Pumili ka ng mga matino at totoong taong miski professor, kapwa estudyante o di kaya yung si ate/kuya na laging mong nakikita na pakikisamahan mo. Maaaring hindi lahat ng iyong nakikita ay totoo, maaaring kabaligtaran. Walang maling desisyon basta kaya mo itong panindigan. Pwede kang maniwala, pwede kang magpalason sa impluwensya ng iba pero sa bandang huli, may sarili kang utak at konsensya - hawak mo pa rin ang desisyon na magpapatakbo sa buhay mo at sa kung ano ang magiging resulta nito.
Ako po si Dave Tan, nagtapos ng Batsilyer sa Agham Pangkompyuter sa Pamantasan ng Silangan nuong Ika-28 ng Abril, taong 2011 -- Maraming salamat po.
April 28, 2011. Araw na pinakahihintay naming mga estudyante - graduation. Araw kung saan matatapos na ang paggawa ng mga projects na kinabukasan ang pasahan, cramming mastery pagdating sa mga final examinations at syempre, ang pagtatapos ng buhay estudyate at pagpasok sa mundo ng mga unemployed. Pati rin pala ang mga magulang namin ay masaya sa kadahilanan na nakapagtapos sila ng kanilang anak at syempre, menos gastos na dahil wala na silang babayarang matrikula sa pasukan.
Ang graduation message na ito ay iniaalay ko sa mga ordinaryong estudyante na nagsipagtapos sa abot ng kanilang makakaya. Sa mga nakaranas na makakuha ng tres at singko, sa mga tumigil dahil sa kakulangang pinansyal at sa mga tao na kailangan pang sumali sa co-curricular activities sa school para sa scholarship o di kaya magtrabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral pero kasama ko nung April 28, 2011 sa Philippine International Convention Center at nagsitapos din. Gaya nyo ay marami din akong pinagdaanang hirap at muntikan na rin na di maka-graduate sa takdang oras pero may mga taong sadyang may likas na kabutihan kahit na kailan pa lang nila kayo nakilala. Anyway, saludo ho ako sa inyo at sa determinasyon nyong makatapos.
Sino nga ba ang dapat pinagsasalita sa mga commencement rites? Yung taong nakamit ang pinakamataas na grado sa apat na taon nyang pag-aaral o yung tao na dinaanan ang totoong hirap ng buhay estudyante pero gumradweyt dahil sa sikap at determinasyon? Para sa akin, doon ako sa huling nabanggit. Bakit nga ba sila ang ninais kong magsalita sa harap ng maraming estudyante e nakakuha na sila ng singko sa ibang subjects, mga pasang-awang grado at kung ano pa? Simple lang, naranasan nila ang hirap na dinanas ng karamihan sa makikinig sa kanila. Ngunit di ko naman inaalisan ng karapatan na magsalita ang taong nabansagang pinakamatalino sa batch na yun. Karapatan nya yun pero karapatan din ng ordinaryong estudyante yun. Mas pinili ko lang ang isang ordinaryong estudyante dahil sa mas makaka-relate ang mga estudyante na nakaupo sa loob ng silid na yun. Pero walang ganun sa tunay na mundo at kung meron man ay piling-pili lang. Mas laging pansin ang mga nakatataas sa iba. Iba na ang matangkad.