- Back to Home »
- Notepad »
- EDSA Sesenta Nueve
Posted by : Unknown
Friday, April 23, 2010
Ilang EDSA revolution ba ang gusto ng mga Pilipino? Hanggang sesenta nueve ba? Kapag napatalsik nyo ang binoto niyong presidente, sino ang ipapalit nyo? Tatanggalin nyo rin ba sya kapag ayaw nyo ang pamamalakad nya gaya ng nauna? [ How many EDSA revolution does the Filipino people want? Up to 69? If ever you successfully impeached the president that you have voted, who will you choose to take his position? If ever you are not satisfied with the system of the newly-seated one, will you do the same to him like the first? ]
Yan ang tanong ko sa bawat Pilipino na sumasali sa mga rally, nakikisaling-pusa at sa mga tambay na walang magawa kung kaya't nakiki-rally din sila. Ano nga ba ang nakukuha nyo pagtapos maging matagumpay ang layunin niyo bukod sa pagod at gutom? Ano ba ang magadang dulot nito sa bansa bukod sa pagiging bakante ang upuan ng MalacaƱang?
Naging parte na nga ng sistema natinng mga Pilipino na kapag ayaw natin sa isang pinuno ay dinadaan natin sa lakas ng masa. Nakita din natin ito sa administrasyon ni Pangulong Arroyo kung saan kabi-kabilang rallies ang naganap para siya'y mapatalsik ngunit sa bandang huli, na kay Pangulong Arroyo pa rin ang huling halakhak at magagawa nya pa ring tapusin ang kanyang termino. At least, may natupad sya sa mga sinabi nya sa huling State of the Nation Address noong 2009 and I quote:
"At the end of this speech I shall step down from this stage, but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as Head of State—to the very last day."
May narinig nga ako sa balita dati, tinanong ang isang ralihista kung para saan daw ba ang rally na sinalihan nya at ang sagot - hindi daw nya alam basta nandun daw sya para sa kanyang personal na rason. Lahat na siguro ng susunod pang mga EDSA revolution ay pawang trip na lang. Lahat ng kasali ay may personal na intensyon o di kaya'y gusto lang nila makisali dahil nandun ang mga barkada nila.
Sa huli, kakainin lang tayo ng realidad na wala ng makakagawa ng isa pang tunay na People Power na pinamunuan ni dating Pangulong Corazon Aquino. Yun lang ang tanging maisusulat sa kasaysayan at hahangaan ng iba. Kung meron mang sumulpot na gaya nya at mamumuno ng walang takot, siguro sa EDSA Sesenta Nueve pa.