Posted by : Dave Tan Saturday, May 1, 2010

 Kalat na kalat na ang mga tungkol sa tinatawag nilang "Jejemon". Click HERE for more info. Paano ko nasabing kalat na? Sa kadahilanan na nakuha na neto ang atensyon ng di lang ng mga tao sa Facebook pero pati na rin ang media na dapat mas tinututukan ang mas di hamak na importanteng bagay tulad na lamang ng  kaso ng Maguindanao massacre.

Jejemon dito, jejebusters doon. Three points para sa mga jejemon sa kadahilanan na nagawa nilang maibaba ang lebel ng isang tao para patulan at pansinin sila na parang isang sikat sa Hollywood.

Marami na ring jejebusters o yung mga anti-jejemons kuno ngunit three-fourths sa kanila ay mas mababa pa sa mga kinukutya nila sa dahilanan na para lang silang mga tanga at wala ring pinag-aralan na tumutuligsa sa mga jejemon na kung saan feeling nila ay mas mataas sila sa nabanggit dahil normal sila mag-type ng mga salita o kung anuman. Normal nga ang inyong pagta-type ng mga letra pero paano nyo ba ito ginagamit? Para sa pangungutya ng iba.

Tigilan nyo na lang sila dahil sa kakaiba ang pagta-type nila at dahil na din sa di naman nila kayo pinakikielaman kpag ngttyp kyo ng  prng gnito. Sa mga aksyong nakikita ko galing sa inyo, ginagawa nyong limang beses na katawa-tawa ang mga jejemons pero sampung beses naman na pinagmumukha nyong tanga at tila walang pinag-aralan ang mga sarili nyo.

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Blogger templates

Labels

Pages

Powered by Blogger.

Subscribe

- Copyright © Lair of Indolence -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -