Posted by : Unknown Thursday, June 16, 2011

Paalala: Sira ang busina ko at ikaw ay pede kong masagasaan


"Bakit si Rizal?"

Computer Aided Instruction on the
Life and Works of Rizal
Gumradweyt na ako at lahat pero pagnakikita ko ang softcopy ng thesis namin sa aking laptop ay laging sumasagi sa isip ko ang tanong na yan galing sa isang taong di ko na papangalanan. Di naman talaga maiaalis sa bawat tao ang sarili nilang opinyon tungkol sa mga bagay-bagay ngunit ang iba sa kanila ay mga opinyong di pinag-iisipan at di na dapat binibigyang importansya. Sa pagkakataong ito, ewan ko kung may importansya ba ang pagdududa na yan kung bakit daw tungkol kay Rizal ang thesis topic namin e sa gayong napag-aralan na naman ang nabanggit sa iba't-ibang paraan sa HEKASI, Sibika at Kultura, Filipino, Kasaysayan at kung ano pa. Ang sagot na umiral sa aking isipan pagkasabi sa akin nito ay: gaya ring maihahambing ang pag-aaral kay Rizal sa agham, Ingles at matematika kung saan pagpasok mo pa lang sa eskwela ay tinuturo na agad. Kung tutuusin, mas marami pang oras ang naibahagi sa tatlong nabanggit. Sabagay, sino nga ba naman si Rizal para gawing thesis topic e sa tingin nilang sapat na ang napag-aralan ng estudyante tungkol sa buhay nya nuong hayskul at kolehiyo?

Nung panahon na gumawagawa kami ng thesis, kailangan ng mga substantial reference para mapagtibay ang isinasagawang pag-aaral. Nagpunta kami kung saan nakalagay ang mga latest na theses para humanap din ng tungkol o malapit sa salitang kasaysayan at kung paano nakakatulong ang paggamit ng computer sa nasabing pag-aaral. Nahirapan kaming humanap. Kadalasan ng mga theses na nandun ay tungkol sa matematika, agham at sales and inventory, et cetera. Pumunta kami sa library para duon maghanap at swertehan na nakahanap kaso nagawa pa ang nasabing akda nuong mga 1996 at 1998 at tungkol ito sa Philippine History. Napaisip kami kung ayos bang gawing reference ang halos isang dekada ng tanda na pag-aaral? Di kaya parang outdated na ang mga paraan at pananaw na ginamit nila ng mga panahong 'yon? Sinuri kong maigi ang pedeng makuha sa nasabing mga akda at kahit papaano'y nakakuha naman kami ng mga positibong bagay tungkol sa paggamit ng computer gamit sa pagtuturo ng kasaysayan.


Ano ang gusto kong ipahayag sa nasabing talata? Simple lang. Mas madaming lumikha ng mga pag-aaral tungkol sa mga nabanggit ko sa unang talata pero iilan lamang sa kasaysayan. Ngayon, hindi ba't ako ang mas dapat magbato ng tanong na "Bakit tungkol sa Ingles, Matematika o Agham, sales and inventory system, etc. e sobrang dami na nyan at parang nire-revise nyo nalang ang mga naunang pag-aaral sa ibang paraan gaya na lang ng paglimita ng pag-aaral sa mga fetus lang o di kaya sa six-month old na baby? Bakit hindi ganito, bakit hindi ganyan?" Walang basagan ng trip. Mas pinili ng grupo namin na piliin si Rizal dahil sa una, akala namin ay kami ang una pa lang na pag-aaral tungkol sa kanya ngunit meron na palang isa pa pero ibang istorya yun at mahaba para ilagay ko dito. At isa pa ay gusto naming makapagbigay solusyon sa problema na kaonti pa lang ang nagawa para may sense ng uniqueness kumbaga, fulfillment. Di ko naman inaalis na "unique" ding matatawag ang bawat pag-aaral na ginawa sa kani-kanilang paraan gaya na lang ng pagtawag sa atin ng mga magulang natin na maganda o gwapo tayong mga anak.


Pagtapos ng paghihirap sa nasabing pag-aaral, sa di inaasahang pagkakataon ay nakuha ng grupo namin ang ikalawang pwesto para sa "Best in Thesis: Computer Science Category" dahil na yun sa mabait ang panelists namin nung defense at siguro masasabi mo rin na maayos naming nasagot ang mga tanong nila. Pero ibang istorya na nung sa software. Wala kami sa top dahil na rin sa inihinto namin ng isang semestre ang paggawa at kung sakali man ay di talaga kami qualified dahil na-redefense kami dahil sa isang major-major problem. Masyadong mahaba din ang istorya para palawigin. To cut it short, nakapasa kami at gumradweyt kahit papaano.


Hindi talaga related yung talata na nasa itaas. Gusto ko lang isama para may kaonting yabang factor at humangin ng kaonti dahil sobrang init ng panahon. Ang gusto kong sanang ipunto dito ay hindi mo kailangang pagdudahan ang pag-aaral na ginagawa ng isang indibidwal o grupo kung puso naman ang batayan nya sa paggawa nito bukod sa mga mahahalaga na citations na galing sa libro. Okay namang gumawa ng pag-aaral sa agham, matematika at Ingles para sa grades 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, first year high school/college, second year high school/college, third year high school/college, fourth year high school/college, mga system na para kay Company A-Z o kahit kanino pa man dahil pagkakatangi nyo yan, isang karapatan kumbaga. Karapatan mong gumawa ng pag-aaral kahit saan o kanino pa ito patungkol dahil ikaw naman ang magde-defend nyan at kung makapasa ay grupo mo naman ang gagastos para magpabookbind. Hindi yung mga tao na pinagdududuhan ang inyong pag-aaral pwera nalang kung sagot nung tao na yun ang mga gastos para sa nabanggit.


Siguro ay di pa rin malinaw sayo na nagbabasa nito kung bakit nga ba si Rizal. Simpleng-simple lang naman talaga ang gusto kong isagot bukod sa isang teknikal na kasagutan na masyadong nagpahaba sa blog entry na to. Gusto ko lang ipakita na may mga tao pang natitira sa mundo na gagawa ng pag-aaral na may kinalaman sa bansa at kultura natin na makakatulong din sa paraang teknolohikal sa pamamaraan ng paggamit ng kompyuter para sa mga darating pang estudyante sa hinaharap na makakalimot sa end of the world sa June 19, 2011. Kung ayaw mo pa rin sa explanation na yan, ganito na lang, gumawa ka ng sarili mong pag-aaral at humanap ng ilang tao na magsasabi na bakit ganyan ang naging topic mo at mag-explain din sa kanila gaya ng ganito.

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Blogger templates

Labels

Pages

Powered by Blogger.

- Copyright © Lair of Indolence -Metrominimalist- Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -