Archive for 2010
Kaibigan
Wala akong magawa sa unang araw ng Christmas break.
Paano mo nga ba masasabi na kaibigan mo na ang isang tao? Kapag ba nakasama mo na sila ng ilang linggo, anim na buwan o apat na taon? Kung hindi man sa tagal ng panahon, sa mga pagkakatulad ba sa hilig gaya ng paglalaro ng console at online games, pagtuligsa sa gobyernong walang pagbabago o di kaya'y hilig sa paglalaro ng jolen? Oh di kaya'y kapag nakapagpalagayang loob ka na sa kanila at nasasabi mo na sa kanila ang iyong mga problema gaya ng problema sa lintik na pag-ibig, kung himihithit ka ng Mary Jane o di kaya'y tambutso ng isang tricycle. Kung wala man sa panahon, pagkakatulad sa mga interes o sa pakikipagpalagayang loob, ano nga ba ang batayan para masabing kaibigan mo ang isang tao?
Nung gumradweyt ako ng grade six at pumasok ng first year, wala akong masyadong naging kaibigan dahil nga sa transferee ako nung nakaraang taon at isang classmate lang din galing dun ang nakasama ko nung na-promote kami ng section dahil ang nakararami sa amin ay nag-transfer na rin sa ibang eskwelahan. Presidente ako nuon ng grade six kung kaya't naging malapit naman ako sa bawat classmate ko sa paraang alam ko. Sa pagka-graduate ko sa naturang taon, doon ko natutunan na di ka dapat nagiging emotionally attached sa mga nagiging kakilala mo gaya ng classmate o teacher kahit na halos isang taon kayo nagsama sa mga kalokohan, kopyahan at pagpapasaway sa mga titser. Hindi rin exempted dun yung pusang nakilala mo na pagala-gala sa quadrangle.
Gaya ng nasabi sa fourth year graduation speech namin, "We are like birds. Once hatched, we'll be nurtured by our mothers until we learn to soar the skies and fly our own direction. Alike to our academic life, we students come and go." Tama talaga ang huling parte, we come and go. Dumating na yung panahon na naturuan na kami ng mga teacher namin ng dapat nilang ituro di lang sa pang-akademikong paraan pati na rin sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa buhay. Dumating na yung araw na makalilipad na kami sa direksyong gugustuhin namin – ang pagtungtong sa kolehiyo. Dahil sa natutunan ko nang ma-detach ang mga emosyunal na bagay sa mga taong nakasama ko ng halos apat na taon, wala na akong naging problema na mahiwalay sa kanila. Gaya ng inaasahan, may kanya-kanya na kaming naging buhay, tapos na rin ang obligasyon ko bilang presidente ng klase, wala na akong pananagutan sa kanila. Bukod sa kanya-kanyang buhay, wala na halos akong kontak sa kanila pwera na lang sa dalawa na kaparehas ko ng pinapasukang unibersidad. Bihira din akong magpunta sa mga event nilang ino-organize dahil na rin sa wala na nga akong kontak sa kanila. Wala lang sa akin yun. Ewan ko na lang sa kanila.
Sa dami na ng nai-type ko baka nagtatanong ka na kung ano ang mga kinalaman nyan. Isa lang naman, walang kang nakitang may binanggit akong kaibigan dahil wala naman talaga. Kaibigan sa salita lang. No more, no less. Bilang lang sa sampung daliri ko ang mga kaibigan ko at sila yung mga taong nakasama ko sa magsasampung taon ko na paglagi dito sa Pilipinas. Kami yung tipong kahit di magkita ng anim na buwan ay kapag nagkaroon ng oras makapag-usap ay kukulangin ang numero sa isang orasan para punan ang anim na buwan na yun. Literal na kapitbahay ko dito sa amin pero dahil busy kami sa sari-sarili naming buhay gaya ng dalawa ay busy sa trabaho, ang dalawa pa ay busy sa kani-kanilang sariling pamilya, ang isa naman ay pinagkakaabalahan ang darating na nursing licensure exam at kaming dalawa ng computer science din na kaibigan ko ay busy naman sa eskwela – nag-aaral. Naging kaibigan ko sila dahil may mga interes kaming magkakaparehas at yun ang bumubuo ng isang samahan. Extra na lang siguro kung gaano katagal na ang pagkakaibigan nyo pero ito lang ang masasabi ko tungkol sa panahon, maaring maging kaibigan mo ang isang tao sa loob lamang ng isa o dalawang araw pero higit pa sa apat na taong pagsasama ang kailangan para malaman kung sino sa kanila ang magiging kasama mo hanggang sa huli kung kailan wala na yung isang bagay na nagbubuklod sa inyo.
Gaya ng nakagawian, ganun din ang gagawin ko pag-graduate ng kolehiyo. Mas kailangan ngayon yun dahil na rin sa pagtatapos namin, magkakaroon na kami ng sari-sariling buhay. Mawawala na rin ang tanging bagay na nagbubuklod sa amin bilang mga magkakaklase – ang eskwelahan. Magkakaroon na rin kami ng mga priorities na kailangang unahin, magiging kaonti na rin ang oras para sa kung ano pang walang katuturang bagay. Sa parte ko, ayos lang yun, sa dahilan na nagampanan na namin kahit papaano ang parte ng isang pagiging estudyante, ng isang pagiging kaklase sa apat na taon sa mga paraang alam namin. Sa pagtatapos na yun na masusubukan kung sino ang mga taong matatawag kong kaibigan at pipiliting makasabay sa isang daanan na kung saan magkikita pa kami. Inaamin ko na di ako magaling sa ganung mga bagay, mabilis akong makalimot lalo na sa mga taong walang naging bearing sa buhay ko. Kahit na apat na taon pa yun e kung wala ka namang nagawang katanda-tanda ay wala ng dapat pag-usapan pa. Saka, di ko na rin naman na sila makikita sa dahilan na malalaman din nila balang araw. Di rin kasi ako magaling magpaalam kung kaya't ayos na yung walang na akong emotional attachment kahit sa isa sa kanila. Mas masakit magpaalam kapag may naiwan pang 3.1416%. Malapit na ang panahon na yun. Kaonti na lang at handa na rin ako, kaonting detachment na lang. Madali lang yun, oo... madali lang.
Ang haba na pala neto, ang hirap talaga kapag walang magawa sa bahay. Muli, ito'y isang opinyon lang at produkto ng pagkausap sa mga pusa.
Diecisiete Personas Importantes
1. Rossane CalisinPagkagat ng eksaktong 12:00, ayon sa aking selpon, na-receive ko ang four parts na text message nya. Yung dalawang parts ay nabasa ko lang kanina sa klase dahil nag-some text missing sa sobrang haba. Sya yung classmate ko mula first year sa klase ng CAA at hanggang ngayon solid classmate pa rin. Nakakasawa na nga e pero joke lang yun. Di ko talaga akalain na sya ang unang-unang babati dahil ako mismo, lagi kong nalilimutan yung date ng birthday nya pero ayan sya, unang-una sa listahan.
2. Jen Despabiladeras12:46 naman at isa pang kaklase nuong first year ang di ko akalaing makakaalala. Kasama rin namin to sa CAA kaso nung sumunod na semestre ay nag-transfer na sya sa ibang eskwelahan. Di pa kami nagkikita simula noon pero gaya ng dati, hindi siya nakalimot kahit na wala kaming masyadong communication. Salamat Jen sana'y masaya ka na sa course mo na yan. baka mag-transfer ka na naman e.
3. Alexander PerezNakilala ko to nuong kapanahunan ng WEBPG1. Isa sa mga masisipag na tao na nakilala ko, noon. Haha. Ewan ko ba kung ano na nangyari dito, naging tamad na rin gaya ko. Pero, nakita ko ang sipag ng taong ito nung nag-programming skill evaluation na sila kung saan sa take na yun ay wala ng dalang libro at source codes bilang reference sa paggawa ng system na yun. Siya, kasama ang isa pang ka-grupo nya na si Em, ang inspirasyon ko ngayon para sa darating na battery exam ngayong semestre. Nakaya nila, kakayanin ko rin. Alex, yung lechon mo, inaabangan ko pa rin.
4. Xyra CrisostomoIsa pang matagal na na klasmeyt simula nung panahon ng TECH2 at isang eksperto sa pagakuha ng litrato. Sya ang bunso sa batch naming magkakaklase at bunso rin sa pamilya nila. Kahit na minsan ay nagkakaroon ng di pagkakaintindihan sa grupo ay nandyan pa rin sya. O pano, last semester na natin to. Wala na dapat susumpungin ah.
5. Ana PasagueNakasama ko to nuong Eleksyon 2010 nuong Mayo bilang isang watcher. Nag-watcher ako para sa pera, este para bantayan yung boto ng Bayan. Computer science student din sya gaya ko at magkaparehas kami ng ilang pananaw sa pulitika kaya instant LAN connection agad. Tahimik na kalog yan gaya ko at dapat nga ay kikitain ko sya kahapon sa eleksyon pero nung nagpunta na ako ay tama namang nakaalis na sila ng mama nya. Amp, ang layo ng nilakad ko. Ayon, nag-softdrinks na lang ako pagdating doon.
6. Munich AbolIsa rin to sa classmate ko sa aming eskwelahan. Galing syang Germany pero joke lang yun. Parte ng Student Council yan ng ilang taon na na di ko na maalala at ngayon ay patuloy pa rin ang public service nya. Iboto para presidente sa 200389564856! Salamat pre at nakaalala ka.
7. Phoebe WalkerGirlfriend sya ng kapatid ko at nag-aaral sa unang unibersidad na dinaluhan ni Rizal. Maraming salamat Phoe at sana'y magtagal pa kayo ng kapatid ko.
8. Cheryll ReyesIsa sa mga cosplayers na galing din sa eskwelahan ko. Maraming salamat sa Cloud Strife's Bastard Sword keychain na binigay mo sa akin bilang advanced birthday gift. Bawi ako next time. For now, kita-kits sa campus sa aking huling semestre.
9. Angelo MarteAccountancy student sya pero tumigil muna para sa personal na dahilan at nagtrabaho muna pero gaya ng pangalawang bumati sa akin, kahit na di kami nagkikita at wala ng masyadong komunikasyon, ay nakaalala pa rin sya. Salamat Gelo. Sa pagpasok mo next semester, galingan mo ah kundi lagot ka sa akin.
10. Edcel PascualSchoolmate ko naman to at kapitbahay. Di kami masyadong nagkkita dahil na rin sa schedule at busy na rin sa pagiging estudyante pero salamat pa rin sa pagbati.
11. Jia Zulueta and Christopher DomingoMga kaibigan ito ng bunsong kapatid ko. Kahit di ko sila gaanong ka-close ay nakaalala sila.
12. Pia Solisa
Schoolmate ko nuong high school at schoolmate ko rin naman ngayong college, lower batch sa amin pero kahit ngayon semestre lang kami naging close ay nakaalala syang bumati.
13. Marvin PascualIsa to sa solid na kaibigan ko na kapitbahay ko lang pero di kami halos nagkikikita. Busy sa buhay e kahit na yung baha nila ay sa kabila lang. Pero kapag nagkikita kami, ay parang kulang ang bente-kwatro oras para sa aming mga barkada. Next time na inuman... ng iced tea.
14. Joma RavanaSi future registered nurse na solid kaibigan ko rin. Nawala man sa sirkulasyon ng barkada ay di pa rin nakalimot. Ayos yan, galingan mo pre sa licensure para may libreng check-up na kami kapag nagkasakit. One take lang dapat ah.
15. Van [Insert surname here] and Thea PeƱaflorMga kaibigan ng kapatid kong pangalawa. Salamat sa pagpunta ah. Tingnan ko kung makasama ako sa tugs-tugs sa Sabado. Ay, obligado nga pala ako sabi ni Thea. Haha.
16. Vonn Russel OlfindoSi ka-birthday na cosplayer. Sensya na pre kung di nakapunta sa celebration mo. Bawi nalang next time.
Kala ko tapos na ang lahat ng babati. Kala ko wala na at matutulog na sana ako ng biglang may nag-text na numero na di naka-registered sa akin at sya'y walang iba kundi si
17. Antonette OpisIsa sa mga naging classmate ko mula first year at masarap din syang kausap kapag seryoso. Lasang chocolate. Pero seryoso, kahit na ganyan lagi yan, makikita mo kung sino talaga sya kapag nag-usap kayo ng tungkol sa buhay. Ayos syang kausap dahil totoong tao sya at sasabihin nya sayo ang dapat at di yung gusto mong marinig. Salamat ah, sensya na kung ang reply ko sayo ay: "Salamat. Sino po to?"
Maraming salamat po sa inyo - ang Diecisiete Personas Importantes.
Gagradweyt Ako?
Ang degree na kinukuha ko ay Computer Science at inaamin ko naman sa sarili ko na wala akong alam sa programming at kung kaalaman sa programming ang pag-code ng Me.close() at reset function, eh di ayos, may alam pala ako at dagdag 0.01% x 10-64 ito sa knowledge pool ko. Hindi ko pilit ibinababa ang tingin sa sarili ko dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo. Katotohanan na pilit tinatago ng iba dahil ayaw nilang mapahiya o mapag-usapan. Gaya ng piling nakararami, totoo ako sa sarili ko.
Bago magtapos, may programming drill pa kaming dapat gawin. Gagawa ka mag-isa ng on-the-spot database-related program na may kinalaman sa ginawa n'yong system project. Sa unang pagsubok, pwede ka magdala ng mga libro at kung ano pang mga references at kung bumagsak ka man, may isa pang chance para ulitin ang lahat at sa pagkakataong 'yon, wala ka ng dalang kahit ano kundi ang puso mong kinakabahan kasama na ang magulo mong pag-iisip. Nagbilang din ako last week ng mga posibleng papasa sa first take sa department namin, mga 17 sila at di ako kasama dun sa dahilan na nabanggit ko. Silang syamnaput pito ay lubusan kong hinahangaan sa kanilang galing sa lohika na nagreresulta sa paggawa ng isang epektibong program. Sa syamnaput walo, apat dun yung lagi kong nakakasama at sa apat na yun, yung sa isa ako totally hands-down. Wala akong masabe. Buhay na yata nya ang programming. Sana, nagkaroon din ako ng taglay na lohika gaya nya para minamane ko na lang ang programming.
Di pa raw huli ang lahat, pwede pa ako tumambay sa silid-aklatan at magpalamig, magpalamig kasama ang mga librong A Dummy's Guide to Programming pero, sapat ba ang oras ko para matuto sa mga paraang alam ko? Ngayon na nalang ulit ako nakaramdam ng isang malaking pagdududa sa aking sarili, sa aking kakayanan bilang estudyante. Papasa kaya ako sa lahat ng natitira kong subjects? Kakayanin ba namin ang software project sa darating na semestre? Made-defend ba namin ng maayos ang sakaling natapos na software project? Makapapasa ba ako ng programming drill at higit sa lahat, ga-graduate ba ako sa darating na Marso? Yan ang mga pangunahing kuru-kuro na gumugulo sa aking isipan, sa isipan ng isang graduation student na gaya ko.
Ito lang ang masasabi ko: basta kahit anong mangyari, gagradweyt ako sa paraang gusto ko.
Of Cristy Fermin
I am from University of the East speaking loud and proud.
Big C
Bill Hemmer: "You said cancer changes your life, and oftentimes for the better."
Joel Siegel: "Yes.... Gilda Radner... said this in her book. What cancer does is, it forces you to focus, to prioritize, and you learn what's important. I mean, I don't sweat the small stuff. I used to get angry at cab drivers. It's not worth it.... And when somebody says you have cancer, you realize it's all small stuff. And what Gilda said is, if it weren't for the downside, everyone would want to have it. But there is a downside."
- American Morning, CNN, 13 June 2003
Vox Populi
In Teodoro’s refusal to mud-sling and appeal to the lowest common denominator in electoral politics; in his defiance to play the blame-the-media game; and in his stubborn refusal to accommodate party interests, I see principle. I see something I can consider to be moral integrity, the sort neither Aquino nor Villar understands. (Perez, M., 2010.)
To end this, may Gilbert "Gibo" Teodoro do well with all his endeavors in life and Godbless the Philippines.
h3Ll0 fH0ueZz!
Jejemon dito, jejebusters doon. Three points para sa mga jejemon sa kadahilanan na nagawa nilang maibaba ang lebel ng isang tao para patulan at pansinin sila na parang isang sikat sa Hollywood.
Marami na ring jejebusters o yung mga anti-jejemons kuno ngunit three-fourths sa kanila ay mas mababa pa sa mga kinukutya nila sa dahilanan na para lang silang mga tanga at wala ring pinag-aralan na tumutuligsa sa mga jejemon na kung saan feeling nila ay mas mataas sila sa nabanggit dahil normal sila mag-type ng mga salita o kung anuman. Normal nga ang inyong pagta-type ng mga letra pero paano nyo ba ito ginagamit? Para sa pangungutya ng iba.
Tigilan nyo na lang sila dahil sa kakaiba ang pagta-type nila at dahil na din sa di naman nila kayo pinakikielaman kpag ngttyp kyo ng prng gnito. Sa mga aksyong nakikita ko galing sa inyo, ginagawa nyong limang beses na katawa-tawa ang mga jejemons pero sampung beses naman na pinagmumukha nyong tanga at tila walang pinag-aralan ang mga sarili nyo.
EDSA Sesenta Nueve
"At the end of this speech I shall step down from this stage, but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as Head of State—to the very last day."
Dos
Another academic year is over so as the thought of being a junior. Everything went well, managed to pass all my enrolled courses with grades I am satisfied of. Indeed, last semester might be one of the semesters to remember aside from the perspective of having to graduate. We had our thesis writing class in that semester and to cut it short for the lazy people like me out there, we did not only managed to pass but pass as the top two (2) thesis defenders of the computer science department.
I have to say that I lost my patience back then and sent them a somewhat blunt message to have their minds open. One replied and told what she had in her mind and retorted with an answer that me and group member A are the only ones able to understand what should be done and that I never assign such specific tasks to them. I am not a dictator to tell you what to do and have it done in a span of time. I am more of a democrat wherein we must do this as a whole, as a group that of you approaching to me and ask what else can be done than me having to give you a set of what-to-do and only to find out that you cannot handle it. Anyhow, I wanted to respond to her claim but being an educated person and having to know that this will only lead to irrelevant arguments, I opted to accept the opinion. I could care less if ever they read this. Seriously.
After a few days of the defense for all those who took it and passed, there was this recognition event to honor the top five defenders from the Information Technology and Computer Science department. Only group member A was able to attend the said event. Personally and not being hypocritical about it, I was expecting to be at any rank of the top five but did not expect landing second. Well, it was all theoretical due to the fact that there were few computer science students who took their thesis, most were friends of ours as well.